Saturday, November 22, 2008

letter to lyn

28 January 2008
Lyn,
Ang mga buhangin sa aplaya na walang sawang hinahaplos ng dagat, walang tigil ang lambing... ganyan ang pag-ibig ko sa iyo.
Ang pag-ibig ko sa iyo ay dagat na hindi natutuyo, walang araw na makahihigop ng aking alon.
Hindi napapagod ang pag-ibig. Napapagal ang ating katawan ngunit ‘di ang pagnanasang maghanap ng mga paraan upang mas mapagsilbihan at mapasaya ang minamahal.
May mga panahong naiinis tayo sa kada isa tulad ng pagkabinbin ng mga hinihinging pabor tulad ng kahilingan ng pagtimpla ng kape, ngunit ‘di ito galit, kailanman ‘di ako nagalit sa iyo... walang humpay kitang minamahal... aking naiintindihan higit sa aking agam-agam na dala ng mga kaguluhang bitbit ng digmaan sa ekonomiya o trans-atlantiko.
Habang sinusulat ko ito, pinuntahan ako ni Rochelle at tinanong kung anong gusto kong kainin, binigyan din pala ako ni Smart ng saging kanina... kung iaayon sa pisikal na katawan, sa sobrang pagkabusog, napakataba ko na malamang.
Nakabibighani ang kabaitan ng iyong pamilya na pamilya na rin sa akin.
Walang espasyo ang paghihiwalay natin sa aking puso dahil ito’y isang karit na hahati sa aking puso; ang pagiging maaalahanin ng iyong pamilya, ang iyong mga alaala na ‘di mapapantayan ng anumang obra maestra o ng anumang monumento na maaaring ibigay sa akin ng panandaliang mundo.
...monumento? Ano pa ang monumento kung ang pagkamit ng pag-ibig mo ay isa nang tore ng tagumpay.
...lyn, paumanhin kung minsan bulid ako ng aking emosyon na tila isang lubid na sawa na sa akin ay pumupulupot. Kailanman, ‘di ko sisisihin ang aking sarili na labis kitang minahal.
Isang kabaliwan ang isipin ang magtampisaw sa mga mumunting kapaitan ng dala ng relasyon, natural lamang ito dahil sa magkaiba tayong indibidwal ngunit iisa tayo dahil sa ating pag-ibig, at ang pag-ibig mismo natin ang lunas sa nalilikhang galos sa ating puso. Kailanman di kapaitan ang nalasahan ko kundi pawang katamisan, di mahihigitan ng ating mga munting tampuhan ang kaligayahan na patuloy na tumutubo sa aking puso.
Hanggang ang dagat ay humahalik sa aplaya, mamahalin kita arcee.


Erik sisirko ako kung kailangan mapasaya ka lang
Malangka, Taysan, Legazpi City

No comments: