Tuesday, December 16, 2008

pagkawat sa paros

Pigpalayog ko an sakong hadok sa paros,
Baka lamang saimong bintana magkatok
Mantang ika nagkakaturog,
baka lamang magngirit ka
na nagpapababa nin dampog.

Ika an sakong doktor
sa arog kaining mga banggi
na maulan, malipot,
pighihilang ako.

ika nasa bakasyon,
ako solo solo ako digdi,
pigdadangog an paros
baka bitbit an saimo mang hadok
paglaog sakuyang pinto.

Pasko Pasko, pasko na namang muli (Nasaan ako?)

Nilakad ko ang kahabaan ng pagbabalik tanaw,
Pagkabalikwas sa alimpungat isang madaling araw,
Dinala ako nito sa isang pasko
Malayong panahon na ang nagdaan


At binuksan ko ang balot sa pinakahuling kahon sa ilalim ng puno ng may mga artipisyal na bituin, makaraan ang ilang linggo atang pananabik.

Sa pagpasok ng Disyembre, tuwing bababa ako ng hagdan kung saan nakatayo ang aming dalawang dekada na ata at may kataasang Christmas tree, namamangha ako sa mga ilaw, lagi. At bababa ang aking mga mata mula sa dambuhalang bituin sa tuktok patungo sa mga regalo sa paanan ng artipisyal na puno na nakabalot sa mga makikinang na papel.

Oktubre pa lang, inuungutan ko na ang aking inay na bilhan ako ng laruang robot, nais ko sana’y si Voltez V. Hindi ko alintanan ang presyo, ang pagkunot noo ni inay na ikinubli ng mapagparaya niyang ngiti. Malapit na raw ang pasko, lahat ng bagay kailangan ng paghihintay.

Kaya’t sa kada tuwina lalo na pag bagong gising at bago matulog, uupo ako sa may hagdan at uubusin ang mga sandali na walang katapusan, makikipagtitigan sa mga liwanag ng puno at pagmamasdan ang mga regalo ni inay sa paanan nito na isang hapon pagkauwi galing sa paglalaro, napansin ko na lang na nakatingin sa akin ang mga kahon na nakabalot sa makintab na papel, inaakit akong nahahalina. Mahina ako mula sapul sa mga ganitong bagay, pinanganak ata akong maikli ang pisi, ngunit nagtiis ang aking dibdib at ang aking mga maliliit na palad na hintayin ang hiyas ng bisperas.

Kung ako’y naglalaro sa labas, kung ako’y kumakain lalo na’t pag nanunuod ng cartoons at nananalo ang mga Armstrong brothers laban sa mga Bozanians, lumalapot ang aking bibig at may panginginig ang aking labi na iisa lang ang kahulugan.

Aanihin ang prutas anumang mangyari, ‘di mapipigilan ang pagpasok ng Pasko, ang pangarap makakamit, makakamit.

Bisperas – pagkatapos kumain ng hamon at keso na pinalaman sa tinapay. Busog akong umupo sa tabi ng dambuhalang punong maningning pero gutom ako, gutom sa pagnanasang makita, mahawakan at buuin ang aking robot, ang aking tagasalba.

Pwede mo nang buksan, sambit ni inay sa wakas, at mabilis ang aking mga munting mga daliri sa pagpunit ng makikinang na mga balot sa isang kaalamang mas makinang pa ang nasa loob.

Nakita ko na rin si Voltez V, at napagtanto kong may iba pa akong regalo galing sa aking mga tita at ninang na nasa malayo. Konting paghinga lang ang pagitan at muli na naman akong lumusong sa kaligayahan sa antisipasyon ng surpresang naghihintay sa iba pang mga kahon.

Mga matchbox at iba pang laruang kotse at may mga imported na tsokolate pa pala na nasa ref ang naghihintay sa aking mga pandama, naramdaman ko ang tuwa.

Lagpas alas dose – nakaupo ako sa tabi ng puno, pinagbabangga ko ang aking mga matchbox, panalo ang nananatiling nakatayo. Medyo busog pa ako. Maliwanag ang Christmas tree pero ‘di ako makatulog, hinahanap ko si mama (na nakikipagusap sa aking tita sa labas ng bahay), mayruon akong nais itanong, mayruon akong ‘di maintindihan.

Sunday, December 14, 2008

Nang ako’y mag-isa isang gabi puso’y basag

Naamoy ko ang amoy ng mga bituin
Sa may simbahan ng San Juan
Sa mabagal kong paghakbang sa yutang dilim,
Humalo ito sa walang kapagurang kampayng halimuyak ng mga kalatsuti,
Hinihila nito ang aking labi, sapilitan
Pero tulad lagi nagpapatihulog ako sa maamong bitag.

Ang mga taong naglilimayon sa may kalayuang liwasan,
Malalabo sa gitna ng naghaharing liwanag
Mula sa mga ilaw lansangan.
Ang halakhak ng harutan ng mga magkasing
Sa palibot ng Christ the King,
Matalim ang mga nota,
Wari’y hangin na umaaligid sa paligid ng romansa ng gabi
sa tabi ng simbahan at plaza

pinili kong mag-isa
akong si solamente,
Walang nakakakilala sa akin sa dilim,
Niyakap ako ng hatinggabi,
Na sinuklian ko ng yakap,
Walang makadapo sa aming lamig,
Hanggang isinilang si liwayway,
Aking hinihintay,
Kaalinsabay ng pagdating ni liway
Ang muling pagyao ng kabiguan ng pumusyaw na pagmamahal
Na baka muling dumalaw mamayang gabi
Sa pagsipol ng amoy ng mga bituin
Sa hagdanan ng aking puso.

Wednesday, December 10, 2008

Isang madamdaming solamente

Punan mo ako ng ligaya ulan,
Dahil nais kong namnamin ang kalungkutan,
Tila ilang buwan na akong nalulunod sa kaligayahan ng may kasama,
Mga kaibigan at karelasyon na lintang kumapit sa akin,
Sinisipsip ang aking enerhiya,
At pag gabi nanlulumo ako sa patumbalik ng kanilang mga drama,

Ngayong umuulan at wala sila,
May pagkakataon akong lumuha,
Mag-isa sa silid,
May kakayahan ako ngayong pumalahaw,
Walang makaririnig sa akin
Kundi ang mga litrato sa dingding
Ang mga sapot ng gagamba
At mga baso at platong di nahugasan
Pagkatapos ng kasiyahan at paglapag ng nangunguyapit na pagod.

Sige ulan, ang iyong buhos ay luwalhati,
Lunurin mo ang tuwa,
Nais kong maramdaman ang pighati,
Ang pighati ng ligayang mawawala rin naman sila,
Babalik at muling aalis.

Baliw siguro ako,
Baliw sa katotohanang ‘di ako matanggap ngunit naaarok.
Tulad mo aalis ka rin, babalik sila.
Ligaya at tuwa, anong pinagkakaiba?

Sa ngayon nais ko lang ihikbi sa aking mga tapat na dingding at kisame,
Ang nakahulagpos ng damdamin.

Sigurado matututunan ko rin na tanggapin ang mga lumilisan
Pero ngayon nais ko munang magpanggap na di ko alam ang mga bagay na natanto
Kaya’t bumuhos kang walang humpay at sabayan mo ako sa aking pagkalango.

Wednesday, December 3, 2008

Bulaklak para kay Delia

Napatid ang kanyang tsinelas. Kung bakit naman kasi Linggo pa at kung kelan dadalaw siya kay Delia. Nagtipon na ang mga itim na ulap, ‘di na niya inabutan ang mga nagtitinda ng mga bulaklak sa plaza.

Maagang nagpahinga sa pamamasada ng trisikad si Benjie, umuwi na siya bago mananghalian. Nagpahinga, kumain, naligo.

Saan ka pa pupunta? Tanong ng nagsasampay ng mga labadang ina ng binata na nasa labas na ng giray na tarangkahang kahoy. Pupunta ako kina Delia Inay, tugon ng binata. Ngumiti si aling Delia, kaalinsabay ng pag-init ng araw.

Mga 15 minutong lakad ang layo ng plaza sa bahay nina Benjie, dumukot ang binata sa bulsa at binilang ang kanyang pera. Hindi namalayan ng binata na nagkukumpulan na pala ang mga itim na ulap habang siya’y naglalakad at nang malapit na siya sa tindahan ng kanyang ipangreregalo sa sinisintang dalaga ay dagsa ang buhos ng mga palaso mula sa langit, tumama ito sa kanyang puso… wala siyang nagawa kundi ang maghintay na lang sa isang tindahan na may kalawanging bubungan.

Pinalabo ng tumutulong tubig mula sa bubungan ang kanyang mata, sa malayo nakikita niya sa mga batang nagtatampisaw sa kanal ang kanyang kabataan. Hindi siya nakapagaral pagkat kapos, nabighani rin siya sa saya sa tropa, sa mga kababata kaya ‘di siya nahilig sa libro. Si Delia nakapagaral, sabi niya sa sarili, lalong lumabo ang kanyang paningin.

Wala sa sarili, tinahak na niya ang madulas na kalsada, napatid ang kanyang tsinelas, nadulas siya at napasalampak sa kalye. Buti na lang walang tao, napangiti siya. Wala siyang marinig kundi ang malakas at walang humpay na halik ng ulan sa lupa.

Desperado na ata ako, sabi ni Benjie sa sarili. 8 buwan na niyang nililigawan si Delia, pero ‘di siya makabitaw pagkat binibigyan siya nito ng pag-asa. Kaibigan niyang matalik ang dalaga mula pagkabata pero dahil may kaya ang magulang ng babae kung kaya’t nakapagaral ito ng kolehiyo.

Iaabot ko na lang ang bulaklak kay Delia sa bintana ng kanyang kuwarto, sabi ni Benjie sa sarili.

…wala na ang mga nagtitinda ng bulaklak sa plaza, nanlumo ang binata ng may matanaw siyang nag-iisang matandang babae sa ‘di kalayuan na napapaligiran ng mga bulaklak. Nilapitan niya ito ngunit pagdukot niya sa kanyang bulsa, wala ang kanyang pera. Naalala niya ang kanyang pagkadapa kanina. Dumilim ang kaninang maaliwalas na mukha ng binata, maitim na ulap na mukha na ‘di pansin ng tindera.

Puno ng Santan, Gumamela, at Yellowbelle ang paligid ng plaza, lumapit si Benjie sa mga ito at pinagpipitas. Umaliwalas ang paligid.

Saturday, November 22, 2008

PAGBABALIK

Itim ang apoy ng binuhay kong kandila. Isang pangangailangan ang liwanag dahil bulag ang langit at pumalya ang poste ng Meralco nang gabing iyon. Nakapagtataka pero ito’y aking binalewala.
Binuksan ko ang bintana sa aking silid upang makapasok ang hayahay. Maalinsangan ang naputikang hangin, kaya nagpasya akong isara na lang ang durungawan ngunit. . . isang kisapmata ang pagpasok nitong uwak. Ito’y tumalungko sa ulunan ng aking katre. Hinihigop ang mga pandama ko ng mata niyang duhat. Bumuhos ang ulan habang umiiyak niyang inawit ang Lupang Hinirang.
Dagsa’t bigla ang mga luhang lumaya sa aking mata. Nakahulagpos ako sa bato-balaning titig ng itim na ibon nang makita ko sa mata niyang itim na itim at lumiliyab ang aking mga luha.
Nasusunog na pala ako, ako’y isa nang apoy! Naapuhap ko ang aking tinig, ginulantang ko ang piping gabi. Kumpol-kumpol ang pagpanhik ng pangitain; tila walang katapusang karimlan, dilim at itim! Mahapdi nang aking tustadong kalamnan ngunit bigla na namang naglaho ang aking boses. . .
May lumagabog. May humahagulhol sa tabi ko. “Nay, kayo pala. Bakit po? Ngunit bago niya nasagot ang ang aking katanunga’y may naramdaman akong kirot. Kinalinga ng palad ni ina ang aking ulo habang ako’y nagulat, nagisip sa nagkalat na dugo sa sahig.

Maningning, kahit na huli na nang kita'y nakilala

"Si Maningning Cruz Miclat na isang kilalang pintor at makata ay tumalon sa ikapitong palapag ng Far eastern University (FEU), Sampaloc, Manila kung saan siya ay nagtuturo. Si Maningning ay tumakas sa kanyang buhay sa murang edad na 28 noong Septyember 29, 2000.

Si Ning (Maningning) ay akin lamang nakilala nang kami'y magtagpo ng librong "Beauty For Ashes, remembering Maningning.

Ang piyesang ito ay kagalakan kong maialay sa kanya:

Bulawang beauty for ashes,
ninakaw mo ang himasmas,
paru-paro'y pinalayas,
haraya'y naging talangkas.

Sabay-sabay na nanangis,
ulingang kumpol na dampog,
hanggang sa luha'y natuyo
sa paglisan nitong tala.

Itim ang bulak sa langit,
‘sang umagang walang idlak.
Ugong ng isang agunyas,
Ang sa puso’y umalatwat.

Sa pagkamatay ng tala,
tumibok ang isang tula.
Pumasok ako sa luha,
at nagtampisaw sa dusa.

Sa talang naging alabok...
tutubo ang pagkasayang
ng tanguyngoy ng mga shi
sa mga palahaw na... hindi!!!

Ning... sadyang hitik sa lupit itong mundo. Kung saan ka man naruruon, sana'y magpinta ka pa at tumula. Sana'y makapiling mo ang Dakilang Lumikha. Siya na ating Ama ang tunay na artista; ang gumawa ng araw, bulaklak, tala, bukang-liwayway, takipsilim na nagsilbing inspirasyon sa mga pintor at makata. Sana'y maalayan mo Siya ng iyong mga likhang-sining. Ito ang tunay na pagmamahal... Ning, naniniwala akong makakamtan mo rin ang dalisay na luningning.

• Idlak- Kislap (Hiligaynon)
• Shi- Poem (Chinese)

An May Sala

An TV, an TV an may sala kun nata kita magkahiwalay sa mesa sa pangudtuhan
Dai ta nahahapot sa kada saro an rason kan lason na gumagadan satuya,
Naghihiling kita kan makaulok pero raot an laog ta,
An media sarong rason kung nata kita


An dagit sa puso gare linta kun minakapit,
Susupsupon an dugo mo

The Light

The light, I don’t know where it came from. The feel just came to me that it was my bedsheet I am touching, the rough and soiled cover of mine for the always seemed eternity of darkness.

Dagsa ng kaba sa mabalasik na hapon

Pinugot ng ulap
Ulo ng mayon,
Duguan ang langit –
Sa ilalim nito, ako
At ang tasa ng kape
Na hawak ng
Pasmado kong kamay.

The Dot RIP?

Matagal nang umusbong ang idea para sa zine na ito, diyamanteng kaligayahan na nailunsad ang The Dot sa National Arts Month.
Milya ang haba ng listahan para sa posibleng pangalan ng zine na kumakatawan sa ating kabataan nang mabanggit ng aking k.r o karelasyon na simbolo ng simula ang Dot; nabingwit agad ng pangalan ang aking imahinasyon...
The dot kasi lahat tayo’y tuldok lamang ika nga ng Asin,
The dot kasi simple lamang ngunit malalim na madaling maunawaan,
The dot kasi maliit na parte lamang ang subculture tulad ng mga punk, skaters, bungo-bungo, gangsta rappers, bums, bohemians, etcetera sa dambuhalang struktura ng ating lipunan ngunit bulawang mahalaga ang mga ito sa nasyon at uniberso.
Naniniwala pa rin kaming salaming malinaw na ang mga kabataan ay salbabida ng bayang sa pighati’y nalulunod. Sana’y magsilbing antipara ang zine na ito, nawa’y magbibigay liwanag sa atin sa realidad ng buhay at na mapalitan ng smiley icon ang ating mga tandang pananong.
Hangarin namin na magbigay ng aliw at impormasyon. Ipinapangako namin na sa pagdaloy ng panahon ay mas maipagbubuti natin ang The dot.
Bukas ang mga pahina ng The dot sa sinumang nais marinig o mag-ambag. Makikita rin ang mga nailathala sa The dot sa Net.
Mga mano, sa atin ito!
Kudos...

Absurd

Mga Tauhan

1.) Mark
2.) Ani
3.) Gretchen



Nakaupo sa bakuran si Mark, bababa ang babae sakay ng sikad2x, papasok ng tarangkahan at uupo sa tabi ni Mark na nagbabasa ng diyaryo at ‘di mapakali. Bukas ang t.v sa sala ngunit walang nanonood. Dahan-dahang lalapit ang babae, nagaatubili. Nakatingin sa kanya si Mark, sesenyasan niyang umupo an babae.

Mark: tsaa o kape?

Ani: Mark, totoo ba?

Tatayo si Mark at pupunta sa kusina… lalagyan ng tubig ang tasa, nilapag sa lamesa ang isang sachet ng tsaa at kape, tinititigan ito ng mabuti… nasa likuran lang si Ani, tinitignan ang mga litrato sa dingding, hinahaplos ang mga larawan ni Mark. Lalapit sa kanya si Ani, lalayo si Mark, pupunta sa malapit na pintuan… lalabas.

Ani: Mark… totoo ba?

Bubuka ang bibig ni Mark. May darating na sikad2x, at bababa mula rito ang isang babae. Kumakain ng lolipop ang babae, sosyal ang porma, naka-shades

Mark: Tsaa o kape? tinanong ni Mark ang babae.

Gretchen: Tsaa, pampakalma. (Ngingiti, titingin kay Mark) Di mo ba ako papaupuin.

Mark: (Nakatingin kay Ani) Tsaa o kape?

Ani: (Matagal sumagot) Kape

Mark: Magtsatsaa ako.

Gretchen: Uupong bigla, sisimangot.

Papasok sa loob si Mark upang magtimpla. Walang imikan sa labas sina Ani at Gretchen. Lalabas si Mark, ipapatong sa lamesa ang mga tinimplang mainit na imunin. Uupo si Mark at si Ani.

Ani: Uuwi na ako…

Malapit na sa tarangkahan si Ani, nang sinundan siya ni Mark, hinawakan niya sa balikat ang babae.

Mark: ‘di totoo.

Ani: Talaga? (tatango ang binata) Titignan nilang sabay si Gretchen. Yayakapin ng dalaga ang binata.

Sa background, may tinatawagan sa telepono si Gretchen at halatang kinikilig at tumatawa.

Maari ring unti-unting mawawala si Gretchen mula sa background.



Fin

Sarong marumirom na aldaw sa magayununon na Pebrero

Mga Karakter
1.) Ian
2.) Bona
3.) Ani
4.) Ai-Ai
5.) Mando
6.) Nards
7.) Dalaga

INT. Umaga. Nasa bakuran si Ian, umiinom ng kape, nakikinig ng Joey Ayala, tumutugtog ng gitara ang binata. Dumating ang kapatid niyang si Ani, masayang Masaya...
Ian: Maugmahon ka ah!
Ani: Nakabakal ako pano nin DVD ng One More Chance ni John Lloyd at Bea, nakua ko sa muslim, Php 50 lang. (kinikilig)
Ian: Nagsiblagan na ba kamo nin karelasyon mo ha Ani?
Ani: Si kuya naman, dai man, cute kasi an pelikulang ini (Ngingiti)
Aasim ang mukha ni Ian at magpapatuloy sa pagtugtog ng gitara at pagkanta. Tutuloy sa sala si Ani.
Darating ang kapatid ni Ian na si Ai-Ai, masayang-masaya...
Ian: O ika, naano ka?
Ai-Ai: Makaranta daa an Aegis ngunyang bangui sa plaza kuya (sagkot talenga an ngirit nin dalaga).
Ian: Ano ba yan? Wara ba kita na mga local musicians digdi? Nariyan naman an Haunted Garage, Flat Earth Society, buda an Legalize Cannabiz, an Rash pa plan! ...iyan mga banda na iyan, orgulyo ta yan, ta sinda mga orihinal na awit an pigkakanta ninda. Dapat pigsusuportahan sinda nin gobyerno.
Mapapatingin saglit si Ai-ai (Namamangha) sa kapatid bago pumasok sa bahay
Ian: (kakausapin ang sarili) National Arts Month National Arts Month,fuck fuck. Maiisip ng binata ang kasintahang si Bona.
(Patumbalik) Int. Nasa kwarto ang magkasintahang sina Ian at Bona. Magkayakap.
Bona: Ayos ka lang? Harayuon an pig-iisip mo ah...
Ian: Dai man, namumundo lang ako ta, narumduman ko si Jas
Bona: Ah, ano kay Jas?
Ian: Pigtaraman pano siya nin kabarkada niyang kano kun nata daing pondo para saindang mga dancers an gobyerno, Php 75,000 pano an premyo para sa magana sa Miss Tabak ngunyang Marso.



Bona: Ano an plano mo kaiyan? (Yayakap si Bona kay Ian, kakarinyuhin niya ang binata).
Ian: Mainom (May mga basyo ng alak sa sahig).
Bona: (kikilitiin an binata) Ika talalgang Ian ka!
Ian: dai man... dai man (gumugulong ang dalawa sa kama, hanggang sa sahig, tunatawa) nagkakaraw man lang ako...
Bona: Nagkakaraw ka diyan... (Magyayakapang muli ang dalawa)
(Balik sa kasalukuyan)
Mawawala ang tugtog at papalit ang tunog ng T.V. Isinalang na ni Ani at Ai-Ai ang pelikulang One More Time... (Iismid si Ian).
Ani: Kuya, digdi ka na... sweeton ini he he he
Ai-AI: Si ate daw, dai mo ba aram na artist si kuya, habo niya nin mga arog kaining pelikula
Ani: Artistahin kamo!
Mapapatingin ang dalawa sa gate... makikita nilang nasa labas na ng tarangkahan ang kanilang kuya.
Ani: Kuya, masain ka?
Ai-ai: Kuya!
Ian: Hahanapon an kagayunan! (ngingiti)
Ai-ai: Pasalubong ko kuya ha? (OC)
Ext: Naglalakad si Ian
Maiisip na naman ni Ian si Bona.
Bona: (Nakayakap sa beywang niya si Ian) Padaba mo ba talaga ako?
Ian: Iyo, ika man sana an padaba ko...
Mapapadaan si Ian sa isang tindahan, pupunta siya rito upang bumili ng yosi. Makakatabi niya ang isang magandang dalaga.
Ian: Pabakal tabi...
Dalaga: Hi, saan po ba rito yung bahay nina Nards Elejos, yung nagtatrabaho sa DPWH?
Ian: Ako pala si Ian (ngingiti, kakamayan ang dalaga, panay ang tingin sa maputing hita at hubog ng dalaga) Huwag kang mag-alala, sasamahan kita.

Wakas

Sining Sining, Diyan ka Magaling

Mga Karakter
1.) Ian
2.) Bona
3.) Ani
4.) Ai-Ai
5.) Mando
6.) Nards
7.) Dalaga

INT. Umaga. Nasa bakuran si Ian, umiinom ng kape, nakikinig ng Joey Ayala, tumutugtog ang binata ng gitara. Darating ang kapatid niyang si Ani, masayang Masaya...
Ian: Maugmahon ka ah!
Ani: Nakabakal pano akong DVD ng One More Chance ni John Lloyd at Bea (kinikilig)
Aasim ang mukha ni Ian at magpapatuloy sa pagtugtog ng gitara at pagkanta. Tutuloy sa sala si Ani.
Darating ang kapatid ni Ian na si Ai-Ai, masayang-masaya...
Ian: O, naano ka?
Ai-Ai: Makaranta daa an Aegis ngunyang bangui sa plaza kuya (sagkot talenga an ngirit nin dalaga)
Ian: (kakausapin ang sarili) National Arts Month, Pwe! (Dudura sa sahig ang binata). Maiisip ng binata ang kasintahang si Bona.
(Patumbalik) Int. Nasa kwarto ang magkasintahang sina Ian at Bona. Magkayakap.
Bona: Ayos ka lang? Harayuon an pig-iisip mo ah...
Ian: Dai man, namumundo lang ako ta, narumduman ko si Jas
Bona: Ano kay Jas?
Ian: Pigtaraman pano siya nin kabarkada niyang kano kun nata daing pondo para sa indang mga dancers an gobyerno, Php 75,000 pano an premyo para sa magana sa Miss Tabak na parte nin pagselebrar nin Tabak Festival ngunyang Marso.



Bona: Ano an plano mo kaiyan? (Yayakap si Bona kay Ian, kakarinyuhin niya ang binata).
Ian: Mainom (May mga basyo ng alak sa sahig).
Bona: (kikilitiin an binata) Ika talagang Ian ka!
Ian: dai man... dai man (gumugulong ang dalawa sa kama, hanggang sa sahig, tunatawa) nagkakaraw man lang ako...
Bona: Nagkakaraw ka diyan...
(Balik sa kasalukuyan)
Mawawala ang tugtog at papalit ang tunog ng T.V. Isinalang na ni Ani at Ai-Ai ang pelikulang One More Time...
Ani: Kuya, digdi ka na... sweeton ini he he he
Ai-AI: Si ate daw, dai mo ba aram na artist si kuya, habo niya nin mga arog kaining pelikula
Ani: Artistahin kamo!
Mapapatingin ang dalawa sa gate... makikita nilang nasa labas na ng tarangkahan ang kanilang kuya
Ani: Kuya, masain ka?
Ai-ai: Kuya!
Ngunit ‘di sila maririnig ng binata...
Ext: Madadaanan ni Ian ang mga kaibigan niyang nag-iinuman habang kumakanta ng awiting pop.
Mando: Padi! Tukaw na, ta boring, warang maginibo kaya ito...
Boy: Tukaw na padi, masiramon an adobong orig na pulutan...
Ian: Sensya na padi, igwa pa akong dudumanon.
Magtatanguan ang mga magkaibigan, magpapatuloy sa paglalakad si Ian. Maiisip na naman niya si Bona.




Bona: (Nakayakap sa beywang niya si Ian) Padaba mo ba talaga ako?
Ian: Iyo, ika man sana an padaba ko...
Mapapadaan si Ian sa isang tindahan, pupunta siya rito upang bumili ng yosi. Makakatabi niya ang isang magandang dalaga.
Ian: Pabakal tabi...
Dalaga: Hi, saan po ba rito yung bahay nina Well De lejos, yung nagtatrabaho sa DPWH?
Ian: Ako pala si Ian (ngingiti, kakamayan ang dalaga, imumuwestra ang dadaanan, panay ang tingin sa maputing hita ng dalaga) Huwag kang mag-alala, sasamahan kita.


NB: Gawing Background and musika ng Rash at Haunted Garage

Some Smokin’ History

I first smoke when I was 13, it was red, it was Marlboro. Some guys of my age started with Phillip which we branded cigar of the hooker because it is menthol thus mild. Red is also a sign of being macho, a chick magnet icon like the symbol of M. Country.
Listening in my bedroom to the music of Guns and Roses, and Bon Jovi, yeah, I begin with those glam rockers and there is nothing to be ashamed of. I remember myself being too emotional then, like playing Fake Plastic Tress of Radiohead for about 5 times straight, and my cigar hasn’t died out, just puffing now and then. Wow, my mind is floating and purging the negative emotions of the day.
We have hangouts, oftentimes its the mall because of Manila’s humid weather; SM Centerpoint in Sta.Mesa, Robinsons Galleria, Greenhills Virra Mall which is closest in San Juan where I spent my childhood years. We go in groups, I have my hiphop clique in my third year high school as we hang-out in Sta.Mesa. Smoking in the stairs, in the alleyways and in the toilets if it is cleared.
It is the sense of camaraderie, its hard to live each day if your alone (based in my experience of being a lone child).
Everyday my lungs could handle a pack of Marlboro, sometimes Winston if my allowance is running off. I only have about Php 30 bucks per day allowance for my expenses besides my fare. Marlboro is Php 20, Winston is just Php 18, the latter has a milder taste though.
We have a sari-sari store in our house, so when I am the purveyor, I just slip a pack in my back and my room becomes heaven through a bowl of smoke. Once my mother caught me smoking, while I am staring at the ceiling, daydreaming... she slapped me in the cheek without saying a word. Man, I could not speak or look her at the time when I came out of my room.
It’s hard to quit smoking because of the nicotine that is like handcuffs, you are tied to it once you get caught. There are times that I tried to quit like for about 2 months, but again I slipped into the smoke rings of my consciousness. Until I got into the straight edge movement which started by the hardcore band Fugazi with the slogan of: NO smoke, NO drinks, NO drugs, and NO fuck.
It is cool to be a straight-edger, suddenly my life has a bit of direction. Punks, rockers, my skater friends are into this straight edge thing, its nice, you put a pentelpen X mark on your wrist so the liquor vendor wont sell you any wine or any drinking beverages.
Hardcore straight edgers are vegetarians. My conciousness has been open into inquiries of cosmic realities, questions such as: Why do I exist? Why is my heart like a cyst, why don’t girls like me... am I such a dork?
Then, I came into contact with yoga, I finally quit smoking at the age of 19. I was a strict straight edger until I was 24 perhaps. In 2000, we relocated to Tabaco, Albay (Tabaco is so urbanized now being a city). Around 2004, man I got wasted again, smoking cigar and getting tipsy timely.
Now, its 2008, I am engaged to a girl whom I deeply love. At moments, mournful moments, I came back to my old destructive self, I am so blessed with Lyn at my side, she always tells me that she will also smoke if I lighted one.
...With her love and my desire to be fully clean again, I hope that I might also put a blockage to my drinking and my smoking rings.

Questions

There is a must to create, the question is why? And perhaps what?
As a writer, aspiring photographer, filmmaker and graphic artist, I always ask myself... what is my purpose of doing this project?
They say that art must be different from propaganda, and then maybe it is arts for arts sake, which a friend of mine told me that it is the lowest of arts.
Do we really need to be social reality conscious in our obra? I think not. We could write or shoot something that will imply the ambiguity and the perplexities of the human behaviour; Inquiries like why men don’t act like they went to school and have MBAs and PHDs.

Parang Lollipop

Parang lollipop ang araw na lumulubog sa pantalan, dinidila-dilaan ni Chikoy na nagmamartsa pauwi sa kanilang bahay ang kanyang hinlalaki na may mga bakas pa ng asin mula sa kinain niyang piniritong mani.
Nagpapatintero ang kanyang mga kalaro, ang iba’y nagluluksong lubid... ngunit karamihan ay nasa loob ng malamig na internet cafe.
Tinawag siya ng kanyang mga kaibigan na lumahok sa tagu-taguan ngunit umiling siya at nagpatuloy sa pagkaliwa at pagkanan...
Nakahain na ang mga plato sa bahay ng dumating siya ngunit wala ritong nakalagay na kanin at ulam,
Tulad kahapon pinagmasdan na naman niya ang mga higanteng barko na nagkakarga ng mga asukal, asin, bigas at kung ano-ano pa.

Montage 1

OBJECTIVE
To cut up existing footage in my repertoire... also to add edited stills to enhance the visual tense.
I must use A.Premiere. I must also incorporate some sounds that will fit to the visuals. Disjointed audio and visuals might do still. The goal is to finish a short presentation using Adobe Premiere.
The available shots

1. Hunchback grandmother
2. Dogs eating and playing
3. Alleyways and avenues
4. Old man and woman
5. Girl in the stairs
6. Man, cooking food
7. Images of poverty
8. Mother and Child
9. Night streets
10. A poet
11. A child with gun
12. Church
13. Fast food chain cashier
14. Bus stop
15. Beggar
16. Barber
17. Mahal kita
18. Window
19. Rolling eyes
20. Florescent
21. Toilet
NB: Check my notes for listed shots not indicated here

My Sonic Youth (Audible Reverie)

The downloading era and a bit of flashback


Nowadays, you could get any music you want; from mainstream to indie, to demos to garage music, way back the old times.
The downloading era and the CD-RW era provide you power and opportunity to become the audiophile that you desire.

My alternative teenage years

I grew up in the 90s, filling my head with grunge from Nirvana to almost metal Alice in Chains. To Alternative acts from The Pixies to Oasis.
In the Philippines, alternative music is about ethnicity, just like Joey Ayala, Grace Nono, Bayang Barrios and the like. There must be a indigenous instrument such as Kumintang, Gong or Tambuli. In the western stratosphere, alternative music is being indie, not having a mainstream record.
But there are bands like The Offspring who signed up a commercial record to Sony Records from Epitaph. A local underground hero, The Wuds, signed-up to Tone Def records coming from Twisted Red Cross owned Tommy Tanchanco who turned out to be the Introvoys manager. Bobby Balingit, the singer guitarist of the Wuds said something like their purpose is to gather a much wider audience because they have spiritual and nationalistic sentiments.

The joy of bootlegging and trade-ins

During the 90s, especially the 80s, people are into bootlegging, its just the good ‘ol durable cassette tapes that we play in our portable tough boombox with the sturdy plastic and metal that they use then. In that era, its hard to avail a CD because the common price then was Php 300, cassette tapes were Php 100.00. Now with a CD-R or CD-RW, you can download songs from the internet for free with almost an omniscient source of rare and commercially released music.
You could also borrow CDs from friends and just burn it with you reliable Nero. I support piracy though, because of the cultural revolution that it imparts. We could learn a lot of things ranging from new world music to the blues and jazz of the 50s.
Yet, there is a distinct bliss that bootlegging and trade-ins give music enthusiasts; it is the labor of travelling like going to Wizzle Dazzle in Recto to buy and to wait for you favorite record, they order it from other countries to please their customers.
The thought that you hanker enough, the patience and the joy of anticipation that it stimulate is a great wonder.
Now, yes, you could have almost every music with just a couple clicks of mouse but you miss the ecstasy of wanting like courting a girl and waiting weeks or even months to hear her saccharine yes.

Moving on

Well, I guess I’ll just make the best of the www and the fast-changing technology that we have. I’m not that much of a techie but its I need. Learn what I could learn before the day ends and just incorporate in my craft that I want to transcend ages.

letter to lyn

28 January 2008
Lyn,
Ang mga buhangin sa aplaya na walang sawang hinahaplos ng dagat, walang tigil ang lambing... ganyan ang pag-ibig ko sa iyo.
Ang pag-ibig ko sa iyo ay dagat na hindi natutuyo, walang araw na makahihigop ng aking alon.
Hindi napapagod ang pag-ibig. Napapagal ang ating katawan ngunit ‘di ang pagnanasang maghanap ng mga paraan upang mas mapagsilbihan at mapasaya ang minamahal.
May mga panahong naiinis tayo sa kada isa tulad ng pagkabinbin ng mga hinihinging pabor tulad ng kahilingan ng pagtimpla ng kape, ngunit ‘di ito galit, kailanman ‘di ako nagalit sa iyo... walang humpay kitang minamahal... aking naiintindihan higit sa aking agam-agam na dala ng mga kaguluhang bitbit ng digmaan sa ekonomiya o trans-atlantiko.
Habang sinusulat ko ito, pinuntahan ako ni Rochelle at tinanong kung anong gusto kong kainin, binigyan din pala ako ni Smart ng saging kanina... kung iaayon sa pisikal na katawan, sa sobrang pagkabusog, napakataba ko na malamang.
Nakabibighani ang kabaitan ng iyong pamilya na pamilya na rin sa akin.
Walang espasyo ang paghihiwalay natin sa aking puso dahil ito’y isang karit na hahati sa aking puso; ang pagiging maaalahanin ng iyong pamilya, ang iyong mga alaala na ‘di mapapantayan ng anumang obra maestra o ng anumang monumento na maaaring ibigay sa akin ng panandaliang mundo.
...monumento? Ano pa ang monumento kung ang pagkamit ng pag-ibig mo ay isa nang tore ng tagumpay.
...lyn, paumanhin kung minsan bulid ako ng aking emosyon na tila isang lubid na sawa na sa akin ay pumupulupot. Kailanman, ‘di ko sisisihin ang aking sarili na labis kitang minahal.
Isang kabaliwan ang isipin ang magtampisaw sa mga mumunting kapaitan ng dala ng relasyon, natural lamang ito dahil sa magkaiba tayong indibidwal ngunit iisa tayo dahil sa ating pag-ibig, at ang pag-ibig mismo natin ang lunas sa nalilikhang galos sa ating puso. Kailanman di kapaitan ang nalasahan ko kundi pawang katamisan, di mahihigitan ng ating mga munting tampuhan ang kaligayahan na patuloy na tumutubo sa aking puso.
Hanggang ang dagat ay humahalik sa aplaya, mamahalin kita arcee.


Erik sisirko ako kung kailangan mapasaya ka lang
Malangka, Taysan, Legazpi City

Thursday, November 20, 2008

Salamat sa Bagong Araw

Sa pagmulat pagkatapos ng panaginip
na nahulog ako sa isang bangin,
bintana agad kong pinuntahan,
sumalubong ang sigawan ng jeepney driver,
ang paguusap ng mga inang may kalong na anak sa kanto,
hinanap ko ang tubig,

nag-iisa,
mga buto ko sa tuhod bali,
muli
tumanghod sa bintana
at duon na inabutan
ng tanghalian.

Paninibughong Bulawan

At dumampi ang selos sa isang kapwa makata,
Nabighani at natulala na lang ang dila
sa kanyang mga larawang itinarak sa aking puso,
Pagbubutihin ko ang pagsagwan sa alon ng mga salita,
Upang maabot ko ang pampang ng himbing
Sa maalon na mga gabi.

Nakita ko ang kuryente ng pagpupursige sa kanya,
Siyang pluma na walang kamatayang tinta,
Ang oras ginawang kaibigan upang mapuno ito ng pagmamahal,
Pagmamahal sa paglikha
Dahil ang ulan at ang mga sapot ng gagamba
Ay pagkakanulo sa kanya ng isip at puso
Na itong mundo ang tahanan natin
At dapat sulatin ang pag-ibig na nakikita ng ating kataratang mata.

Makata,
Kung may puting pagsisinungaling,
Mayruon din sigurong ginintuang pagseselos,
Oo, nahagip ako ng iyong mayamang hangin
Upang basahin ang iyong mga likha,
Tinuruan ako nitong magsulat hindi upang makipagtagisan sa iyo ng galing,
Ngunit upang makipagtulungan na buhayin ang pag-ibig,
Pag-ibig na marahil kinain na ng pintuho ng ‘di mabilang na gabi.

Anong sarap na magtarak ng mga salita,
Habang iniisip ang iyong mga likha,
Na bulaklak sa aking natutuyong hardin,
Ng sumibol ang mga unang punla,
Inalaagaan ko itong walang humpay,
Ang samyo nito ay ang lakas ng bisig
Upang patuloy akong sumagwan
Upang matapos ang gawain ngayon,
Bukas patuloy pa rin tayo, mananaginip,
Mangangarap, magseselos kung kailangan
Upang ating matawid ang mga alon
Na pumipigil sa atin na maging malakas.

Tuesday, November 18, 2008

Always Searching for a Greater Light.

Yes, there is fear that our Krishna may end up having broken picture parents. Don’t know if we’ll get married some dawn, that dream may not shine. Oh Krishna Chentamine Vash, you having parents with a healthy relationship is a great gift already, a stepping stone for you to overcome the dusty roads of this life.

Earlier, me and Arcee have a discourse about our plight, and the doors circumventing it. She isn’t assure of herself if she wants to marry me, maybe because I ain’t earning money, or perhaps I spend much time on cultural duties.

Yeah, ‘twas a fault of mine, I told her that I will shun all mind clouds, so I could set golden family priorities. Like maybe engaging in business early next year, and postpone DIY advance design lessons in graphic, and in video editing. Just a timely reading of history, philosophy, arts, and all that will do in my free time in between washing diapers, cleaning the room, preparing milk, going to market and so on… Could do it, I tell her, her ambiguous smile flew like a bird with sharp wings in my heart sky. But I know her, I know that in her hearts of heart, she still believes, it is just I’m irritating to revived buried questions. Oh Rilke, to love questions of your heart like a book written in a foreign language, its so wonderful…

She might leave us, she told me, at first, she stated the desire to not leave Krishna, but like my friends say, I must never take a glance away from dear Krishna, I must be the one to water his heart with affection, so we have a consensus that unless our fight is somewhat violent or tumultuous, she will file a custody to have Krishna if he is still under 7 years of age.

I miss her kisses like sunset in the good old romantic innumerable shores. But if that kiss once damp my deserted land of shattered sorrow, then my lips is an ocean where I drink and get drowned in bliss.

Freddie Aguilar is singing Anak as Krishna is sleeping, wondering wondering, will I be a good father. Will leaving my cultural duties and maybe egoistical aspirations make me happy?

In the end, I might be Ajamila, I told Jimple, well to give our child such a name is a great gift besides having a healthy family. Krishna, Krishna, that’s the answer.


Now the question is when. Dear Morrisey: How soon in now? Haribol

Arcee, endless learning love, hope could be a better person, hope is a flower.



Erik
18 November 2008

Sunday, November 16, 2008

unfinished

Ma, patawadon mo ako
Kun igwang panahon na iyo sana buda tango an simbag ko saimo arog kasuaga,

Pagal sana ako sa paglalaba,
Pigdadangog ko an Pink Floyd para an timba nin tubig mabuhat ko pa,
Para an mga damit sakuya pang mapiga.

Solamente ka sa upuan nagkukuwento kan saimong aldaw,
kaiba ko an sakuyang mga pigiisip,

Paranoia sa matanga

Nagkakan ako, matanga, dai makaturog,
Dai pwede maghiga, ta bangungot baka mag-abot.

Nakatindog naghiling ki T.V
Warang magayong palabas,
Sa harong nagluwas…

…yosi

…yosi?

Beer…

Beer?

Habo!

Nag-uli, basugon pa, naghiling giraray ki T.V
Nagtukaw, nangiturog,
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz…

Another chessy nothings

But this takes me away from my favorite part of the house, not my bed, but where the bed lies, because no one can see my face because it is covered by a wooden door. And I don’t like anyone to see my face so often, that’s why I always closed my 40w daylight to be embrace by some mystery.

My mother just called me in her low cheerful voice whenever I have a visitor waiting at our red gate, or if I need to get my father’s medicine in the house of my auntie that is bought by her.

My bedroom has lots of wisdom, not because of my bookshelf, but because of the stillness that it brings.

There is the TV where I watch my favorite DVDs like movies and concerts, but much oftentimes when I am haggard from doing graphics, juvenile animation, internet research, and literature. But I also like just to stare at the TV screen sometimes seeing Richard or Giovhanii in action, in one of my adorable scripts. Or seeing the bums at the plaza or at the bus terminal doin time.

There is also the music collection which still includes Dylan, The Beatles, Floyd, Neil Young, Led Zep, Sabbath, Sonic Youth and many more, but right now I am listening mostly to Velvet Underground, Joy Division that is stored in my CPU. Well but it is still not the music that inspires me to stay in my room despite the mesmerizing places that I could travel and cultures that I could explore.

It’s about the taught that there is someone who stays with me on my bed as the night touches me and she stayed until the morning sun greets.

Punasan mo nang luha mo

Punasan mo nang luha mo,
Hinuhugot na ako ng pighati
‘di ko matapos ang sinusulat ko
Isang sulat upang relasyon nati’y muling tumamis.

Tigilan mo nang pagkusot,
Namumula nang iyong mata,
‘di ako aalis.

Ang mga lingkis ng kalungkutan,
Pumipigil sa aking gumalaw
At humimlay na lang sa kama tila patay.

Ang panimdim ‘di maitago sa mga kaibigan.

Kailangan ko ng pupuntahan
Kaya nag-ahit ako’t naligo.

Siklo ng isang tag-init

Synopsis

Naghahanda ng hapunan ang mag-anak ng Barilejos. Nagtapos kasi ng kolehiyo si May, ang isa sa pinakamaganda sa kanilang baranggay.

Inihaw na talong, tokwang may breading, chop suey, Korean barbrcue na gawa sa magic meat



Scene Outline

1. Ext Plaza naglalaro ang tropa ni Jack ng skateboard. Nakatambay si Jack, nagsusulat.

2. Lalapit kay Jack si Mario, may ibubulong…

3. Tatayo si Jack at magpapaalam sa tropa.

4. Jack: Guys, alis muna kami ni Mario madali.

5. Casper: Saan kayo pare?

6. Mario: (Nakangiti) Sa langit (Tatawa)

7. Ext. Public Toilet. Humihithit na marijuana sina Jack at Mario. Uubuhin si Jack, tatawa si Mario

8. Mario: Mahina na ang lungs mo pare (Tatawa ng mahinay)

9. Jack: Patuloy pa rin sa paghithit. Biglang may kakatok sa pinto.

10. Lalaki: Tao po! Nataranta sina Jack at Mario.

10. Tinulak nina Mario at Jack ang pinto at agad umalis…
11.
12. 12. Lalaki: HOy

jack

Nakaupo si Jack sa may bus terminal. Nagyoyosi. May mga nakaupo sa tabi niya, mukhang may hinihintay din. Kumakain ng tsitsirya si Jack. Pinagmamasdan niya ang mga batang lansangan upang ‘di siya mainip.

Naglalaro ang mga batang lansangan sa kanyang harapan. Naglalaro ng kara krus. Bubuksan ni Jack ang kanyang bag at magbabasa ng On the Road na libro. Bibili ng sigarilyo, magyoyosi.

Tumayo si Jack at kanyang natanaw ang paparating ng bus. Tinapon niya ang yosi at tinignan ang bintana ngunit ‘di niya Makita ang kanyang hinahanap. Bumili ulit ng yosi si Jack.

Kinuha ni Jack ang kanyang kwaderno at nagsimulang magsulat.

Jack (V.0): Ang bus terminal ay isang sementeryo,
Nililibing ako ng mga mukha ng pighati,
May mga mukhang masaya, mga mukhang naghihintay
Ngunit nangingibabaw ang lungkot na dala
Ng mga taong walang tahanan na sumisilong dito…


Boses: Ayan, galing Manila iyan!

Dagling nilagay ni Jack ang kwaderno sa loob ng kanyang bag, at itinapon niya ang kanyang yosi. Tumayo si Jack at tamang tama ang hinto ng bus sa kanyang harapan.

Tinignan ni Jack ang mga pasahero ngunit wala ang kanyang hinihintay…

Makalipas ang ilang minutong pag-upo, tumayo na si jack at umalis…

Sa pag-alis ni Jack, siya naming pagdating ng isa pang bus. Nagmamadali sa pagbaba ang mga tao.,,

Rose: …Jack, nasaan ka. Nakita ni Rose ang isang papel na nakadikit sa may haligi ng bus terminal.

Note: Rose, kung ‘di mo ako nakita, wag mong isipin na ‘di kita pinuntahan. Naghintay ako ngunit ‘di ka dumating… alam mo kung saan ako makikita. – Jack.

chinky

Miming ako sa kalsada sa nag-uurang hapon,
Sarong lola na mabalyo duman sa ibong na kalye,
Duman saiyang naghihibing apo,
Nag-agi an marabasong sikad-sikad ta igwang paseherong naghahalat,
Napasuriyaw ako na wara sa oras,
Pero sa buot buot ko sana,
Dai man nabangga si lola,
Padagos an hibi nin apo, buda an agos nin tubig hali sa itaas nin atop,



chinky

me? am i right?

There’s no salary in worries, so why pay time?

Isang tunay na droga

Isang tunay na droga

Sa mga panahong ‘di ako nakasusulat, nalalason ako ng hangin, ng panahon, sumisikip aking dibdib sa pagtingin sa orasan, sa pakikipagtitigan sa mga blangkong espasyo na tumagos sa mga dingding at kisame.

Marami akong ginagawa lalo na’t malapit na akong maging ama, nariyan pa ang mamalengke, magluto, maghugas ng plato, maglinis ng bahay, maglaba at reengkarnasyon ng mga ito. At ang pag-iisip ng bukas na nais ko ng kandaduhan pagkat nais kong ilaan sa dasal ang mga mahahalagang libreng sandali.

Tinititigan ko ang mga libro ko sa bookshelf, hinihimas, sentimental, oo. Baka ang mga kaluluwa ng pluma nina Keroauc, Almario, Steinbeck, maging mabait para pasukin ang diwa ko na madalas tinatangay ng tinatamad na hangin.

Nariyan ang paghawak ko sa pluma ko ‘di ko na mahawakan at maisulat ng mahabang panahon dahil tila matanda na ang aking pulso; madali nang mapagod dahil sa nasanay na akong magtipa sa aking desktop computer. Nakalulungkot oo, dahil sa panahong ‘di na uso ang kuryente, at wala akong typewriter, tila uusad ang mga araw na iisipin ko na lang ang mga kaisipan at hahayaang pumalso ito o maglaho.

Kailangang magsulat ang isang manunulat dahil iniibig niya ang mga salita, bago ang kaisipan. Kailangang magsulat ng isang manunulat dahil sisikip ang dibdib niya pag natanto niyang may mga bituin na pala sa kalangitan at lumalalim ang kanyang mga ngalumata ng ‘di napupuno ang kanyang kwaderno o ang kanyang desktop PC ng mga salita.

Isang kaisipan, talata, tula, o sanaysay swabe na sa isang araw, maaari ding kahit mag speed writing o magsulat ng anumang imahe na mabuo sa malayang isip, dito mababakas mo at mababatid ang daloy at ugat ng iyong puso at isip. Malalaman mo kung gaano kataas o kababa ang iyong moralidad.

Sinulat ko ang sanaysay na ito sa pagbabakasaking may matuklasan pa ako sa aking katauhan, at isang langis sa nabubuong kalawang ng imahinasyon at puso ang pagsusualat. Sa pagusbong ng mga salita sa papel, kumikinis ito at mas nagiging madali ang daloy ng mga pangungusap sa papel o sa computer monitor habang ginagawa mo ang trabaho ng iyong puso.

Napakaraming nating karanasan na maaari nating ikabit sa ibang karanasan, at pwede ding nating ikawing sa mga bagay na walang buhay at mayruon. Napakalungkot kung tatawagin ko ang sarili kong isang manunulat kung sa loob ng isang araw, wala akong maisulat na isang linya man lang. Tulad ng isang taong naghahanap ng kasagutan at kaligayahang ispiritwal, dapat siyang magbasa kahit isang berso sa bibliya, dapat tayo ring mga alipin at umaalipin sa panitik.

Gumawa tayo ng isang rebolusyon laban sa ating katamaran, mamaya sa pagdatal ng iyong malayang oras, kapag nagawa mo na ang mga obligasyon mo sa iyong pamilya at sa iyong sarili, gawin mo na ang obligasyon o mas mainam sigurong tawaging mithi o pita ng iyong puso, at iyan ay ang gumawa ng arkitektura ng mga salita. Maaaring ito’y walang hugis o meron, pero ang tiyak, maglulunoy ang iyong puso sa tuwa, at sa paghiga mo mamayang gabi, tiyak ‘di mo na mahihintay ang umaga upang maibaba ulit sa papel o sa monitor ang iyong mga kaisipan.

Ito kaibigan ang isang tunay na droga.

Trust in the rain

Yes, I don’t know where we’re going,
But I know a place,
And I’m afraid to ask you,
Do you want to go there?

The rain is falling,
And the words are falling off,
Im scared, I’m scared to show you me,
The puddles blurred like we…

Under an umbrella, we trudge,
The long wet road
Ahead are houses with lighted majesty.

Oh oh oh,
Do you want to go
To the place where I know,
Believe me belive me,
Everything is gonna be alright,
Because my love is purer than the night,
And the rain, the rain can’t break our bones our soul…

Deathly Tea

Thought death is in my tea, maybe coffee is the river to my coffin, reminder is constant to Arcee, to not forget to cremate me when I leave my physical body.


Three days I think that breathing is a labor.

Dinamitan na ng Araw ang Daigdig

Dinamitan na ng araw ang daigdig,
Sa higaan wala pa akong damit sa pintong buyangyang,
Sa kusina na tanaw sa aking kamang kinahihigaan,
Sa mesa –
Ang walang takip na lalagyan ng asukal at kape,
Creamer tagasagip ka na ba ng katawan na baka lamigin?
Sa bintana masigla na ang sinag,
Sumalubong aking ngiti,
Lumabas ng pinto ang paa kong hubad,
At walang kiming hinalikan ang lupa.

Marahil kailangan ko ng manalangin

Sa tuwing hihiga ako sa dilim,
Tunog ng bentilador
At tunog na aking dibdib
Tangi kong naririnig.
Malambot naman ang unan,
Ngunit ang kaba ay tumatakbo
Sa king mga ugat,
Naligo naman ako,
At uminom ng gatas,
Katabi ko ang aking mahal,
At payapa ang himbing
Ng aking mga magulang
Sa kabilang kwarto,
Marahil kailangan ko ng manalangin.

Kan madagit ako sa ulan

Ulan, nata ka suminabay sa abo nin sakuyang ama,
An paros mo nagtaong tubig saiyang baga,
Halipot an halabang kumot para siya tawan ki harong sa lipot
Na gumigiris saiyang tulang,

Nagbabatok man samong ayam saiyang pag-abo,
An ribok nin kinaban luminaog sakong payo,
Ulan nadagit ako saimo, iyo.

Buntong hininga ko dinaog kusog nin paros
Kan lumayog paros nin sakong lawas sa tahaw nin silensiyo…

Pigguyod ako nin sakong puso sa bintana,
Nasa luwas daa an simbag sakuyang mga hapot,
Nahiling ko an salming nin kinaban sa daga,
Nahiling ko an pandok kong murusdot,
Sakong pagtangad an mga dampog na maitom
Piguguyod nin paros parayo.

рдеे light

The light, I don’t know where it came from. The feel just came to me that it was my bedsheet I am touching, the rough and soiled cover of mine for the always seemed eternity of darkness.

So I don’t know what’s waiting but I want you to know

Drink is the night light coming down that cast shadows on the windy ground,
Road long narrowing my hope to reach home,
Home that I want to forget till twilight,

Ahh, to be with the one I love with the dying love in between our bed,
Like the sweetest beer I known for years,
Sweet when its still in my mouth but smothering me inside,
Like my withering veins because of the lack of sleep that I need
I need to be awake to fetch medicines for that illness in my bed.

So come down to me light, and also you wind,
Walk with me as I stream the unknown road that I known for years.

If ever I failed to come home before twilight or after the light,
Just want you to know that I made effort to think,
To find the illness in between our bed that never ever I adore.

Da Adbentyurs op Mike Mikropono

Da Adbentyurs op Mike Mikropono

Mahilig kumanta si Mike, ipinanbuntis kasi siya sa perya ng nanay niya na nagtratrabaho sa isang videoke bar na kung saan pag bumaba ng 80 ang score ng kumanta, mahuhulog sa malapot na tubig na kulay green ang isang seksing babae.

Nang ipinanganak si Mike, tumilaok ang mga manok, humuni ang mga ibon, nag-kokak ang mga palaka, hindi tumatahan sa pag-iyak ang cute na baby boy hanggang ‘di siya inaawitan.

Mga musikero ang mga kamaganak ni Mike, merong classical musician, punk rocker, jazz player, metal head, mga posers, pati ballet dancer.

Kaya lumaki si Mike sa daigdig ng musika, dahil hanep sa collection ng mga CDs at DVDs ang kanyang ama na si0 Benjoe, isang frustrated musician na naging sales agent ng appliances dahil kailangang kumita ng pera ng nabuntis nito ang karelasyong si Michelle, ang ina ni Mike.

Lumaki si Mike sa perya. Umiikot ang tahanan nila sa mga lugar kung saan tumitigil ang perya. Sa kanilang videoke bar at bahay, kinahiligan at natuto si Mike ng musika sa murang gulang na apat, sa edad ding iyon natutunan niyang tumugtog ng gitara at piyano.

Pero sa videoke talaga nahumaling si Mike. Hilig niyang kantahin ang My way ni Frank Sinatra, binabatukan siya ng mga pinsan at mga tito dahil ang baduy daw niya. Pero kahit sa videoke naadik si Mike, pag tumugtog naman siya ng gitara at jazz, aba classical at jazzy ang mga escala nito.

Magkahalong kantiyaw at papuri ang inabot ni Mike sa dalawang magkaibang mundo ng kanyang musika.

Aabot ng 4th year high school si Mike na videoke ang hilig, narun na ang manalo siya ng iba’t ibang premyo dahil sa kanyang ginintuang boses… hanggang sa maranasan niyang masaktan sa pag-ibig ng ipinahiya siya ni Valerie, ang kanyang babaeng iniibig sa isang videokehan sa mall dahil baduy daw ang kanyang kinanta.

Nanlulumo, mapapatambay si Mike sa mga mall, sa mga kalye, hanggang sa mga may mabarkada siyang mga punk rockers na ang hilig ay ang tugtugan ng Rancid, Ramones, The Clash, mga old schoolers at marami pang iba.

Mula nuon matutuon na ang tuon ni Mike sa tugtugang rock. Gamit ang gitara, minsan keyboard, pero kadalasan gitara, maghahanap ng kabanda si Mike. Sa una, sa pagsisimula ng kanyang mga banda ay puro plakado ang kanilang ginagawa hanggang ang buong enerhiya ng kanyang pagiging malikhain ay matutuon sa paglikha ng mga sariling magagandang mga komposisyon.

Mananalo sila sa mga battle of the bands. Sa kolehiyo, magiging aktibo rin si Mike sa aktibismo sa kalagayan ng music industry. Tutuligsain niya ang pagiging komersyalisado ng mga tema ng mga banda para lang kumita ng pera.

Magiging kaibigan niya ang legendary na The Wuds at Philippine Violators. Magiging isang alamat si Mike.

Ang tangi lang problema ay ang pag-ibig. Ang kanyang pag-ibig kay Michelle na maglulunsad ng mga pinakamagandang awit ng pag-ibig pero ang kapalit nito ay ang kanyang buhay ng lokohin siya ni Michelle para ipagpalit sa isang negosyante.





Mahilig kumanta si Mike, ipinanbuntis kasi siya sa perya ng nanay niya na nagtratrabaho sa isang videoke bar na kung saan pag bumaba ng 80 ang score ng kumanta, mahuhulog sa malapot na tubig na kulay green ang isang seksing babae.

Nang ipinanganak si Mike, tumilaok ang mga manok, humuni ang mga ibon, nag-kokak ang mga palaka, hindi tumatahan sa pag-iyak ang cute na baby boy hanggang ‘di siya inaawitan.

Mga musikero ang mga kamaganak ni Mike, merong classical musician, punk rocker, jazz player, metal head, mga posers, pati ballet dancer.

Kaya lumaki si Mike sa daigdig ng musika, dahil hanep sa collection ng mga CDs at DVDs ang kanyang ama na si0 Benjoe, isang frustrated musician na naging sales agent ng appliances dahil kailangang kumita ng pera ng nabuntis nito ang karelasyong si Michelle, ang ina ni Mike.

Lumaki si Mike sa perya. Umiikot ang tahanan nila sa mga lugar kung saan tumitigil ang perya. Sa kanilang videoke bar at bahay, kinahiligan at natuto si Mike ng musika sa murang gulang na apat, sa edad ding iyon natutunan niyang tumugtog ng gitara at piyano.

Pero sa videoke talaga nahumaling si Mike. Hilig niyang kantahin ang My way ni Frank Sinatra, binabatukan siya ng mga pinsan at mga tito dahil ang baduy daw niya. Pero kahit sa videoke naadik si Mike, pag tumugtog naman siya ng gitara at jazz, aba classical at jazzy ang mga escala nito.

Magkahalong kantiyaw at papuri ang inabot ni Mike sa dalawang magkaibang mundo ng kanyang musika.

Aabot ng 4th year high school si Mike na videoke ang hilig, narun na ang manalo siya ng iba’t ibang premyo dahil sa kanyang ginintuang boses… hanggang sa maranasan niyang masaktan sa pag-ibig ng ipinahiya siya ni Valerie, ang kanyang babaeng iniibig sa isang videokehan sa mall dahil baduy daw ang kanyang kinanta.

Nanlulumo, mapapatambay si Mike sa mga mall, sa mga kalye, hanggang sa mga may mabarkada siyang mga punk rockers na ang hilig ay ang tugtugan ng Rancid, Ramones, The Clash, mga old schoolers at marami pang iba.

Mula nuon matutuon na ang tuon ni Mike sa tugtugang rock. Gamit ang gitara, minsan keyboard, pero kadalasan gitara, maghahanap ng kabanda si Mike. Sa una, sa pagsisimula ng kanyang mga banda ay puro plakado ang kanilang ginagawa hanggang ang buong enerhiya ng kanyang pagiging malikhain ay matutuon sa paglikha ng mga sariling magagandang mga komposisyon.

Mananalo sila sa mga battle of the bands. Sa kolehiyo, magiging aktibo rin si Mike sa aktibismo sa kalagayan ng music industry. Tutuligsain niya ang pagiging komersyalisado ng mga tema ng mga banda para lang kumita ng pera.

Magiging kaibigan niya ang legendary na The Wuds at Philippine Violators. Magiging isang alamat si Mike.

Ang tangi lang problema ay ang pag-ibig. Ang kanyang pag-ibig kay Michelle na maglulunsad ng mga pinakamagandang awit ng pag-ibig pero ang kapalit nito ay ang kanyang buhay ng lokohin siya ni Michelle para ipagpalit sa isang negosyante.

Dagat an sakuyang kama

Dagat an sakuyang kama,
Palangoy langoy ako sagkod alas sais in Bangui,
Palangoy langoy sagkod an baybay sakuyang maabot
S

Ice cream cone sa daga

Nabutasan ko an sakuyang ice cream cone sa daga,
Agang aga na ako paha,
Sa tinampo kun saan an mga aki amay magmata,
Ta su mga ina ninda agang aga buhay nin may buhay an pighuhurunan.

An sakuyang ice cream cone sa daga natutunaw arog kong dai makahiro,
Nagduman sako an mga aki pig-uuyam akong naghibi nagdalagan sa harong,
Sa bintana, pigluwas ko payo kong sadit,
Buda pighiling an ice cream cone kong tunaw na an lipot,
An hamis nag-iba na sa daga,

Mapamahaw na daa; tingog ni ina na hali sa kusina,
Pinamara ko muna sakuyang mata bago ako naghiro,
Sa mesa kun saen nakatukaw si mama buda papa,
Sakuyang ngirit bumutwa.

Sa Likod ng Pinto

Sa likod nin pinto,
An liwanag nin aldaw sakuyang barbon

An mga buhay ninda an mga buhay ta ngunyan,
ta

Nag-uran

Nag-uran sakong pagmata,
Haluyunon an pagbuhat,
Habo kong maparayo sa kama,
Ta habo kong magkarigos, magkakakan,
An muya ko sana,

Milk It

Sleepyhead, false alarms to wake up to pee time wee hours makes me a madman.

Madness in the dark kitchen knives the only luminance in the house.

Sharp little shrill voice came out:

I want to sleep. I want to sleep. I want to…

Milk hot and creamy, the pop-up solution,

So I make a glass and stay awake tappita tapp tappita

In the keyboard who doesn’t sleep.


The empty aluminum cup shining smiling in my workaholic wooden desk,
Empty metal of white protein adrenalin push tired already but,
I love it I love it to not sleep,
Feelings change in an instant,
My sanity downpours on the amnesiac keybord,
Tappita tapp tappita as the orange glow crawl into the distant window.

R

I spend some time in the morning talking with the wall, actually the wall is my mind, the guild feeling of offending a friend is penetrating my bones like the electric wind breaks me into a pit of deeper silence…

Days of tears I see as every time I peek into the slight open door, I didn’t intended to hurt his by telling him that an edited picture is better that a raw shot coming from a point-and-shoot camera.

hain an kalag ni amorsolo

Amorsolo, kalag mo hain? Ika ba an kolor sa pininta ni Yatoy?
Ika ba an maluto na nagtatao nin kusog samuyang pulso?
Muya kitang madangog, ika ba an musika sa pigkakanta digdi nin mga musikero sa Chateau?
Ha…. Ika gayod an hagyan pasakat digdi.

Diyan sa banda diyan diyan an mga makata nagturukaw sa halabang mesa,
Nagdadangog nin pagkamoot uyam kurab sa mga metapora nin kapwa ninda makata
Buda pag sinda na an mataram, makikikig ka saindang

Sarong hapon sa harong

Dai ko aram kun sain nagduman an naglalayog na mata ni papa,
Habang sinda ni mama naguusap
Manungod kun nuarin kami papahalion digdi sa harong,
Na pigpaistar samo nin sakong primohon na konsehal digdi sa kinabang sadit sa siyudad nin Tabaco,
Am ulok ni mama sa alas dos nin hapon, nakakaulakit,
Nakakaulakit iyo, pero namatean ko an pirot kaya ako nagpaaram,
Nagduman sa kwarto, an ilaw dai binukasan,
An payo piglubong sa ulunan,
Dai pa akong pera sa bangko.

Nadadangog ko pa an kwentuhan ninda sa medyo bukas na pinto,
Sa kisame naglayog sakuyang mata,
Pigkugos ako ni agom na nakamate sakuyang pagtaning.

Kung gusto kong tumakas, wala kayong magagawa

Kung gusto kong tumakas sa problema,
Isang saglit lang,
Pero hep, ‘di sa alak o sa omads,
sa kutsilyo?
Pwede pero mas nanaisin kong magpalunod,
Para walang makapagalay sa ‘kin ng mga bulaklak
O ng mga pagkain,
Tama si Holden ng sinabi niya na:
Who needs flowers when you’re dead?”
Pero ‘di niya alam na ‘di siya ang katawan.

Kung nanaisin ko,
Maaari akong maging alagad ni Oregon,
Isang kalabit lang ng gatilyo
Mula sa aagawan kong parak,
Tiyak sabog ang ulo ko,
At kakalat ang aking utak sa kalye,
Pero hindi ayaw ko ng nakakapangilabot na kamatayan,
Tulad ng bigti, pag-inom ng lason,
Kamatayan kaya sa sobrang sex,
Nakatatawa pero hindi,
Di niyo dapat malaman na malibog ako,

Kaya lang alam kong ‘di ako ang katawan,
At alam kong maraming masasaktan
Pag umalis akong walang paalam,
Kaya’t hihintayin ko na lang na ako’y tumanda
O maaksidente
O patayin ng isang adik diyan sa may kanto.

Ngayong buhay pa ako,
Pipilitin kong makitil sa isip ko
Na ‘di ako dapat tumakas,
Ngayong malapit na akong maging ama,
At dapat kong ituro sa kanya
Na kalianman ‘di namamatay ang katawan
At ‘di tayo ang isip,
At dapat nating mahalin ang Diyos,
Na siya nating tunay na ama,
Kaya’t kailangan kong lumapit
At masisimulan ko ito sa pagbangit
Ng kanyang mga banal na pangalan:
Hare Krishna
Hare Krishna
Krishna Krishna
Hare Hare

Hare Rama
Hare Rama
Rama Rama
Hare Hare!

Bubong ang aking ulo

Bubong ang aking ulo,
Marahil pawid ang aking buhok,
Umuulan, tumutulo ang tubig
Sa puting tiles,
At ang aking imaheng mukhang gusot,
Na Malabo,
Mukha ng langit

Bicol Prose

Pag nababasa ko an mga gibo ni rio alma, richard gappi, namamatean ko an kulog sa puso, ta gare harayuon an sakuyang mga talinghaga. Gare makasarili an rason kan sakuyang pagtahi ki mga talinghaga.

Sana makaukod ako na matuon an sakuyang kusog sa pagpapadaba na nagpupuon sa pamilya paluwas sa kalsada paduman sa langiton. Dakul an nangingipuhan ki kusog, an artes buda sining dapat ituon sa paghahanap ki kauagmahan.

Ta dakul na man akong nasulat na rawit-dawit pero an an pungaw buda pagkamundo sarong hararom na balon, an tubig sa laog nito, tuyo na halos.

Sa mga tawo na makabasa kaini, sana man kita sinsero sa piggigibo ta, pwede na kita sinsero na magpakahusay maging manrarawit-dawit, pero an sining na an tuon eh kaugmahan sa mga oro-aldaw na mga pangyayari, pag-describe ki mga magagayon na bagay, dai man kita talaga natatabangan o dai man kita talaga nakakatabang.

Ta an tawo magurang, magkakaigwang hilang, an puso mabatak pag an karelayson minasiblang, sa huydyan an tawo magagadan. Habo ko na magtaram na an kagayunan permanente, dai ito an kagayunan nin sarong basong lemonada o pagkakan ki hamon sa pamanggihan kairiba an bilog na pamilya. An kaugmahan pemanente, pero kamo an makakahanap kaini at an kaugmahan obhetibo buda absolute ta kita gabos namamtean an kulog ki lawas na an satuyang mga organo naggugurang man.

Kaya gare makulog sa buot kun an nagluluwas sakuyang mga rawit-dawit, an mga diskursong pigtataram ko eh gare daing laog. Sarong joyride sana. Iyo, maugma pero dai yan an kaipuhan ta, pwede ngani kita makarot sa makakabasa ki satuyang mga obra, ta dai ta man maiwasan na daing laog na pilosipiya an ating mga pigtataram sa satuyang mga sining.

Iyo, dipisil na magtaram kun ano an tama buda basulon an mga sala, pero an mga tawo na mismo dapat an makaaram na sinda sala, pero sa panahon kan multimedia na halos kita gabos diyos na pwede na magtaram nin mga namamatean buda nabilog na mga pilosipiya, dipisil na maaraman kung sisay an nagtataram ki totoo.

An artista kapag aki pa, pwede na magtaram nin kagayunan nin salog o saiyang ilarawan an saiyang namamatean sa pig-iilusyong daraga pero maabot sana an panahon na mauukudan niya na an igwa pang mas mataas na panrasa o higher taste na kita pwede na mamatean na pag ito satuyang namatean ini natural na satuyang ibabahagi sa gabos.

Sa ngunyan muya ko na magbasa ki mga literatura buda mga sining kan artista na ang buhay piggamit sa pagpapanday ki katotohanan. Sana makaukod ako. Ini dipisil ta igwang mga problema arog kan inggit sa kapwa makata, su pagkamuya ta na maging pinakamurag, sarong ugari kan sarong aki.

Dakulon ki tawo na tatao magsurat, dai man ako nagtutubod sa wika, muya ko pa ring makaukod maging matibay sa tataramong bikolnon pero dai ito an pinakamahalaga, an pinakamahalga an pigtataram, mas mahalaga an pigtataram sa taramon.

Hamon ito sa gabos, sarong hamon satuyang mga sadiri mga kaapil.


Mabalos.

A date before twilight

Ephemeral orange afternoon
Unlike your hand in mine I know,
We sat beside the perpetual sea,
The dusk is hungry to eat the remaining light,
In this one violet violent internal twilight,
The voice of Lord Buddha
Reverberates innumerable echoes:
Attachment is the root cause of all suffering,
Attachment…

Only the breaking of the water cut my thoughts,
You press my hand.
As you pointed the silhouette bird,
Slowly entering the waning sun,
My heartbeat breaks the crying sonata of the big blue.

With HP Mini, I will travel our land with bliss and pure joy

Travelling is a heart that never grows old. A dream that is an eternal resident in my life, and with HP Mini, that dream is spiced with contentment and creative river flows, because with the features of this petite yet elegant confidante, I could store my data of creative juices with ease because of its minimize weight.

I want to travel to places I could call my own; I want to visit places that are real. The urban sections of the country are the current plight of us Filipinos. We must study history with our third eye wide open; our fellowmen’s suffering became denser as super typhoon Frank hits our households. Me and my fellowmen are one, or should I say, we are all equal whatever our language, religion or our skin tone is.

Equipped with Wifi, I could enjoy the pure joy of constant communication with my love ones and with the people whom I work with, or will I work with in the future. I love cultural and works that search and maintain perpetual beauty. And loaded with Genuine Windows Vista Business 32 and SuSE Linux Enterprise Desktop 10, I am fuelled.

I want to keep moving because time could desert us. We need to learn technology in one way or another. And wherever I go, and whomever I met, I will try to impart them whatever I know like the simple joys of writing a poem about our childhood friends or relatives or about our favourite hangouts when we were kids. I could also teach them how to make a slide show of the pictures of their beloved. This I could do with the help of my friend HP Mini.

Also, I like to make a film like Lino Broca’s Insiang or films inspired by the Italian Neorealist. Film editing is much easier with HP Mini around.

If I could win a unit of a HP MINI, I might call her Minnie. It’s a girl’s name because I always miss my girlfriend and my unborn son whenever I go out to travel.

Simplicity is what I found in the all aluminium case, lustrous and the robust design of HP Mini. It is a beauty that I will cherish and I will take care of.

I really hope that I could avail a HP Mini so my travels whenever and wherever be filled with joy like lamp with perpetual oil. Well, if don’t, I will still travel but to travel with a HP Mini is like travelling with unlimited gas of bliss.

some sequence outline

Nagbalyo an sabaw nin mais sa tasa,
An aso nawara sa paros

1. matatapon an mainit na sabaw sa pantalon ni Mara
2. Pupunta ito sa kuwarto para magbihis
3. May nagaaway na dalawang binata sa labas ng kanilang bahay
4. ang kanyang kapatid sinuntok ang kanyang manliligaw
5. lalabas si Mara para pigilan ang kapatid
6. papapasukin ni Mara ang kapatid sa loob ng bahay, aalis ng bahay ang kanyang kapatid
7. sasabihin ng karelasyon ni Mara ng mayruon na siyang trabaho
8.

May Liwanag sa Dulo ng Gabi

“isang gabi sa isang kalyeng urban”


Salome

Ang mga baso naghihintay na sila’y mahugasan. Ang mga aso sa bakuran panay ang ikot at balik sa kanilang platong walang laman. Makapal ang hangin sa mukha ni Salome, nakaupo sa isang upuan sa labas ng bahay, kumuha siya ng isang sigarilyo sa bulsa, inikot ikot sa daliri at muling ibinalik.

May kumalampag sa bubungan, napatingala si Salome, tumalon ang isang pusang itim. Nagtahulan ang mga aso, nakataas mga balahibo, kanilang hinabol ang pusa. May dumaang mga tao sa labas ng bahay, napatayo si Salome at pilit na inaninag ang mga mukhang tinatamaan ng mahinang ilaw hatid ng ilaw lansangan.

Tinignan ni Salome ang mga plato, muli niyang kinuha ang isang istik ng yosi sa bulsa, tumayo, ibinalik ang istik ng yosi sa bulsa at pumasok sa pinto, pumasok sa kuwarto. Habang nasa loob ng kuwarto si Salome. Isang lalaki ang tahimik na pumasok sa kanyang bahay, pumasok ito sa palikuran. Sa labas, tahimik ngunit mabilis na nginangata ng mga aso ang mga pira piraso ng piniritong manok. Lumabas ng kuwarto si Salome, nakabihis, dala ang handbag, sinaksak siya ng lalaki bago siya nakalabas ng pinto, kinuha na lalaking pulang kidlat ang mata ang kanyang bag, at mabilis itong lumabas ng tarangkahan, nakasalubong nito ang isang lalaki na kasama ni Salome sa litrato na nakadisplay sa kanyang kuwarto.

Jerome

Sa ‘di kalayuan sa isang tindahan, gumegewang ang kalsada na tila walang katapusan at pare pareho ang itsura ng bahay; pawang malalabo at pare parehas ang pinto. Mabigat ang hangin sa mukha ni Jerome, naglalakad na may isang tsinelas, itinapon niya ang pudpod ng sigarilyo at ibinuga ang usok sa bibig na humalo sa dilim.

May dumaang tricycle, sinigawan si Jerome, ngunit wala siyang narinig. Napagilid siyang muntik ng mahulog sa kanal at patuloy siyang naglakad sa kalsadang lasing. May isang punong mangga, tinaas niya ang kanyang magkabilang kamay at pilit niyang inabot ang manggang hilaw ng mapansin niyang mainit ang talampakan niyang walang saplot, itinaas niya ang talampakan at napansin niya itong dumudugo, napaatras siya at nahulog sa kanal.

Nakatingin kay Jerome ang mga bituin ngunit sila’y malalabo. Pare parehas ang itsura ng mga bahay. May dumaang magbabalot, tila nawala ang hilo ni Jerome at pasigaw nitong tinawag ang magbabalot. Napatingin sa kanya ang magbabalot, nilapitan siya nito at sinuntok. Kinuha ang kanyang pitaka at mabilis na lumayo sa kalsadang ‘di gumagalaw, ‘di umiimik.

Ambeng

Ang kanyang palad na nakatakip sa mata na nakadantay sa magaspang na balat ng punong Kaimito. Pagkabilang ng sampu ay hinanap ni Ambeng ang kanyang mga kalaro, malikot ang hangin sa kanyang buhok at mukha, magkakawangis ang mga puno kapag gabi, binitbit ni Ambeng ang kanyang mga tsinelas at alerto umikot ikot, sinisiguradong walang makaliligtas sa kanyan matang kuwago.

Tumakbo bigla ang kanyang kalarong si Michelle galing sa kanyang likuran, hinablot niya ang damit ng kalarong babae at bumakat ang kanyang mga kuko sa likuran nito. Napahinto sa pagtakbo ang batang babae, lumuhod at nakayuko. Marahang tinawag ni Ambeng ang pangalang Michelle, ngunit tinulak nito ang batang lalaking natumba ng paupo at tulala.

Naglabasan ang kanilang mga iba pang kalaro na nagtatago sa lilim at dilim ng mga puno. Dagli ang pagtayo at pagtakbo ng batang babae sa kanilang bahay sa malapit at mabilis na lumabas ang ina nitong nagtatalak kung anong ginawa ng inosenteng bata sa isa ring inosenteng bata. Lumabas ang ina ni Ambeng na nagtataka at nakipagusap ng mahinahon sa ina ni Michelle ngunit dala marahil na maalinsangang gabi, bingi ito sa mga pakiusap at nanabunot na sinuklian din ng pagtatangol ng nanay ni Ambeng. Nagdagsaan ang mga tao upang manuod at umawat, mas marami ang mga mukhang natutuwa kumpara sa mga mukhang naaawa, kabilang dito si Ambeng na bagama’t nakatayo na ay tulala pa rin, patuloy ang ikot ng malikot na hangin sa kanyang buhok at mukha.

Chris

Sa balkon, umiinom ng lemonada si Chris, habang pinapanuod lang siya ng karelasyong si Mina na ‘di mapigilan ang mapahagikhik sa hilatsa ng mukha ng nakaposturang binata na maasim ang mukha. Kinulang kasi sa asukal ang tinimpla niyang kalamansi para sa minsan lang na makitang minamahal.

Napasilip sa bintana ang ina ni Mina na ‘di rin mapigilang humagikhik dahil sa mukha ng binatang maasim ang mukha na natatawa. Mabilis ang oras at ito’y dumudulas sa pagitan ng dalawang puso na nasa balcon na tinatamaan ng magiting na hangin na kahit natulog na ang mga magulang ng dalaga’y ‘di magawang magpaalam na aalis upang sumabak muli sa digmaan sa ibang bansa.

Ayaw ni Mina na maging sundalo si Chris, kaya lagi niya itong kinukwentuhan ng mga malulungkot na istorya ng mga nabiyuyuda, napakaraming nakaluluhang istorya galing sa daming pelikula na tumatak sa isipan ng dalaga. Ngunit bata pa lang ay pangarap na ito ng binata, pangarap na binhi ng pagiging isang magiting na sundalo ng isa niyang tiyo at ninong.

Magiting ang hangin ng hinawakan ni Chris sa mukha si Mina at masuyo itong hinalikan sa labi. Umaawit ang mga kuliglig. Nakatingin ang isang pusa na nasa ibabaw ng mga damit na labahan sa kanilang mga pusong nagmamhalan. Tumayo na rin sa wakas ai Chris, ang bukang liwayway nasa kanyang mata. Kailangan pa niyang maghanda ng mga gamit para sa kanyang biyahe sa umaga, isang biyahe na pinaniniwalaan niyang mas lalong magpapalapit sa kanilang puso sa oras na matapos ang digmaan sa pagitan ng mga bansa.

To be a poem

Dakulaon an simbahan, sadit an mga tawo,
Sarong lalaki naghagad ki piso sa nag-aging piday na nag-agi,
Dai nagtitinuan an mga tawo,
An mga aki sa cristorey nag-iwal sa pagkawat ki badil-badilan,

Dakulon na tawo sa merkado,
Pero anino sana nin makabagong simbahan an tiangge,
Luwas laog sila sa LCC Mall,
lumilimampas sinda sakuyang makaskason na hiling,

tabaco, sa aldaw mo ngunyan na Hunyo,
dai akong regalo, muya ko pa nganing maghagad,
tauhan mo akong harong su dai gibo sa hibi,
buda matibay pa sa munisipyo,
basta sa laog sabot an taramon,

nagduman ako sa bus station, mapaparos,
dakul an pulis, apocalypse sa amay na aga,
daing maginibo kaya nag-uli n asana ako sa harong.

Bionote

Sa kinaban nin pamilya siya naglaog, siya sa tabi nin baybay na dai makahiling sa aldaw, supog pumupulupot saiyang liog sa init na uran nin langitnon. saiyang labi batak batak sa pagpugol sa liwoy na magluwas, dakul siyang nais itaram, pero an daghan niya matarom na alon, baka ini magduman sa sentro at makagadan.

Duman sana siya sa baybay, pighihiling an sadiri, siya an dagat; traydor. Dai pa pano niya makontrol an saiyang mga pandama. Sarong aldaw, nahiling niya giraray ang midbid niyang parabangka, pigalok siya kaito na maglunad.

Tuninong an dagat nin aldaw na iyon, hiling an aldaw bako makasilaw, igwang bayong na dumapo sa iyang abaga. Luway luway naglakad siya parani sa maliwanagon na bangka.

Duwang kalag sa nagbabang paglaom na nasulo

Gare mabagsak kay Ian an simbahan na sanggatos na taon na nabubuhay, tuod sana siya sa harap nin Cristori, pighahalat an luway luway na simbahan na nagbababa.

An mga tawo daing ngimot pero sinda nagtataram na si Ian maguli na, nahiling niya an saindang bintana pagtangad niya sa langitnon, dakulon an gasera sa indang sadit sanang laugan nin paros.

Saiyang mga bitis pighihigop nin daga, harani na an simbahan sa iyang simbahan saiyang payo, hararom an hinghing nin paros, napakatagal nin pagbaba nin simbahan pero an kaskas nin saiyang puso dai niya mahabol.

Sa sarong kaunan, piglalaog na ni Che an mga botelya nin serbesa sa case. Nagharap siya sa bentilador sa kisame. Malipot an saiyang daplos, an tama nin artipisyal na paros saiyang likod palad nin agom niya na nagadan sa Dubai.

Nagluwas sa pinto an sarong matabang babayi, nagduman ito sa tahaw nin mga madudusing na mesa. Nagmamadali na pigpunasan ni Che an dumog buda mga malagkiton na mesa.

Naguli si Che saindang harong, nakatayo sa pinto an sarong anino, igwang usok hali saiyang kamot, harayo pa siya, nagtaram an anina kun bakit siya ngunyan lang.

Nagiwal sinda

Si Che solo solo sa bangui na nagagadan.

sin

And we are the night

And we are the night,
No jeepney no buses no tricycles
Just us on the gutter
We are the night,
Spending time that we all just have.

Behind us is a bank,
The concert has stop,
And we just lay on the cold streets,

…mga aga nin kagadanan… muya kong marumduman

Alas-sais. An lunch box ko sa mesa, an bag ko na pano ki mga maiibog na libro, ginumos na papel buda balot kan tsitsiriya na dai ko pa natatapok. Pighahalat mi an jeep na masundo sako paduman sa eskwelahan. Pirit an hidali nin sakuyang ngimot sa pagnguya nin paborito kong maluto na sinanlag sa bawang buda piniritong bacon na honeycured na igwang bunay.

Dai napunasang maray an sakuyang buhok, medyo basa an likod nin sakuyang polo na gumos an kuwelyo. Maluya an sakuyang tuhod, gare dai ako makatindog. Ako an nawalat sa kusina ta nagbukas na nin sari-sari store si mama, si papa nagpapakakan nin saiyang mga inaataman na mga teksas buda talisayin.

Sumagi sa isip ko an mga assignments na dai pa naginibo, an biloy ni Anna Lorraine Uy, sarong diwata, sarong kaklase kan nakikig ako kan makusog na boses ni mama: Erik, yaon na ang sundo mo.

Nawalat an plato sa mesa, an Milo na dai ko naubos, an mga langgam na parani na sa mga mukmok, almusal ninda ito.

Singkit an mga nakalunad sa jeep, gare sinda dagit sako, dai pano ako pigtitini, baka dahil haloy ako magluwas, nagtindog pa ako ki pirang minuto sa hagyan kan jeep bago naglunad.

Mga 45 minuto an biyahe nin school jeep haling San Juan, paduman sa Phillipine Chung Hua High School. An mga kairiba ko, mga high school buda mga nasa elementary arog ko. Gabos sinda nagbabasa ki saindang mga libro buda notebook, ako nakahiling sana sa luwas kan bintana…

Kasubanggi, daramlagon. Dai ako nagkakan ki maluto, Nissin Ramen beef mami sana an sakong pamanggihan, muya ko pano magkaruturog ki amay pag Dominggo.

Pigistoryahan ako ki mama ki sarong alamat, pagkatapos kong maghibi sa pagmuda ko kay Hesus. Dai ko ito pigtuyo, makulugon sa buot an nagibo kong ito. Hali sa pangiturugan, dai ko kontrolado an pigtaram nin sakong dila.

Sa higdaan, dakul akong nahihiling na pandok sa kisame, gare sinda mga aswang kaya pigsasara ko na sana an bintana buda pigtatakluban ko an sakong lawas ki tamong. Pero makatakot an tanog ki bentilador, dai ko man masarado ta maitunon.

Dakul akong naiisip na mga nangyari kasubanggi. Dai ako makaturog maray sa biyahe padumang eskwelahan. Naipit an jeep sa trapik sa San Juan. Naghapot an kataning ko pero dai ko nasabutan kaya ngirit na sana an sakong nasimbag. Luway-luway nakaabot kami sa tulay nin Sta. Mesa.

Pulahunon an nagmamatang aldaw, nagpiyong ako buda nangadyi na sana dai na ako nabuhay. Ini laging nangyayari pagkaaga maski pag-uli pag kami nag-aagi sa kalye nin Sta. Mesa. Kan ako nagdakula na, huna ko ngani Buddhist ako ta muya ko nang magadan.

Sa eskwelahan, amay pa. Dai pa nagtatanog an ringing bell. Nagtukaw muna ako sa laog ki samong classroom, nagkua ki papel sa bag at pigsurat ko an sakong pangaran para handa kun sakaling si madam magpa-exam.

Dai ko namalisyahan an pagrani sako ki kaeskwela kong dakula, bigla niyang piglaag an saiyang tadang sandwhich sa atubangan nin sakong polo, bigla siyang nagrayo at gare ayam na nag-ulok. Muya ko siyang saksakon ki ballpen, muya ko mang magadan pero mas madali an maghibi.

Pag an mga agi-aging ini sakong narereparo, nahihiling ko giraray na dai akong kusog para madaog an kulog ki lawas, buot buda kagadanan. Ako nakakaukod buda nakarurumdom na magtaong oras sa sadiri para maghapot kun nata igwang ugma pag dai ako an sentro.

Maugma an magrayo sa dalan nin gadan, habo ko na puso ko magin harong nin dagit. Dai ako magagadan ki hilang, krimen o aksidente pero makulog an magmata na sa daghan igwang makusugong alon.


Ika?

Reparo sa naghihidaling daliwawa

Haling Tabaco, an bus sa 3:30 nin aga pigsusugo nin igos na dapat maduman an mga dudumanon,

Kataning bintana ako solo, piyong mata, isip muklat, pigiipon mga hapot kun nata kita dai magsiblagan,

Lunad kan inot na bus paduman sa Naga, sa Central City sana ako mababa hali sa bangui hali sa haldat ni kasuhapon,

Padaba dai ko pituyo na luha mo magturo, aram mo iyan,

an usok na hali sa yosi sakong kamot, piggadan an halabang diklom,

pungaw an kada hinto kan bus, kada pundo nin sakong kamot sakong ngabil.