Saturday, November 22, 2008

The Dot RIP?

Matagal nang umusbong ang idea para sa zine na ito, diyamanteng kaligayahan na nailunsad ang The Dot sa National Arts Month.
Milya ang haba ng listahan para sa posibleng pangalan ng zine na kumakatawan sa ating kabataan nang mabanggit ng aking k.r o karelasyon na simbolo ng simula ang Dot; nabingwit agad ng pangalan ang aking imahinasyon...
The dot kasi lahat tayo’y tuldok lamang ika nga ng Asin,
The dot kasi simple lamang ngunit malalim na madaling maunawaan,
The dot kasi maliit na parte lamang ang subculture tulad ng mga punk, skaters, bungo-bungo, gangsta rappers, bums, bohemians, etcetera sa dambuhalang struktura ng ating lipunan ngunit bulawang mahalaga ang mga ito sa nasyon at uniberso.
Naniniwala pa rin kaming salaming malinaw na ang mga kabataan ay salbabida ng bayang sa pighati’y nalulunod. Sana’y magsilbing antipara ang zine na ito, nawa’y magbibigay liwanag sa atin sa realidad ng buhay at na mapalitan ng smiley icon ang ating mga tandang pananong.
Hangarin namin na magbigay ng aliw at impormasyon. Ipinapangako namin na sa pagdaloy ng panahon ay mas maipagbubuti natin ang The dot.
Bukas ang mga pahina ng The dot sa sinumang nais marinig o mag-ambag. Makikita rin ang mga nailathala sa The dot sa Net.
Mga mano, sa atin ito!
Kudos...

No comments: