Mga Tauhan
1.) Mark
2.) Ani
3.) Gretchen
Nakaupo sa bakuran si Mark, bababa ang babae sakay ng sikad2x, papasok ng tarangkahan at uupo sa tabi ni Mark na nagbabasa ng diyaryo at ‘di mapakali. Bukas ang t.v sa sala ngunit walang nanonood. Dahan-dahang lalapit ang babae, nagaatubili. Nakatingin sa kanya si Mark, sesenyasan niyang umupo an babae.
Mark: tsaa o kape?
Ani: Mark, totoo ba?
Tatayo si Mark at pupunta sa kusina… lalagyan ng tubig ang tasa, nilapag sa lamesa ang isang sachet ng tsaa at kape, tinititigan ito ng mabuti… nasa likuran lang si Ani, tinitignan ang mga litrato sa dingding, hinahaplos ang mga larawan ni Mark. Lalapit sa kanya si Ani, lalayo si Mark, pupunta sa malapit na pintuan… lalabas.
Ani: Mark… totoo ba?
Bubuka ang bibig ni Mark. May darating na sikad2x, at bababa mula rito ang isang babae. Kumakain ng lolipop ang babae, sosyal ang porma, naka-shades
Mark: Tsaa o kape? tinanong ni Mark ang babae.
Gretchen: Tsaa, pampakalma. (Ngingiti, titingin kay Mark) Di mo ba ako papaupuin.
Mark: (Nakatingin kay Ani) Tsaa o kape?
Ani: (Matagal sumagot) Kape
Mark: Magtsatsaa ako.
Gretchen: Uupong bigla, sisimangot.
Papasok sa loob si Mark upang magtimpla. Walang imikan sa labas sina Ani at Gretchen. Lalabas si Mark, ipapatong sa lamesa ang mga tinimplang mainit na imunin. Uupo si Mark at si Ani.
Ani: Uuwi na ako…
Malapit na sa tarangkahan si Ani, nang sinundan siya ni Mark, hinawakan niya sa balikat ang babae.
Mark: ‘di totoo.
Ani: Talaga? (tatango ang binata) Titignan nilang sabay si Gretchen. Yayakapin ng dalaga ang binata.
Sa background, may tinatawagan sa telepono si Gretchen at halatang kinikilig at tumatawa.
Maari ring unti-unting mawawala si Gretchen mula sa background.
Fin
Saturday, November 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment