Sunday, November 16, 2008

Da Adbentyurs op Mike Mikropono

Da Adbentyurs op Mike Mikropono

Mahilig kumanta si Mike, ipinanbuntis kasi siya sa perya ng nanay niya na nagtratrabaho sa isang videoke bar na kung saan pag bumaba ng 80 ang score ng kumanta, mahuhulog sa malapot na tubig na kulay green ang isang seksing babae.

Nang ipinanganak si Mike, tumilaok ang mga manok, humuni ang mga ibon, nag-kokak ang mga palaka, hindi tumatahan sa pag-iyak ang cute na baby boy hanggang ‘di siya inaawitan.

Mga musikero ang mga kamaganak ni Mike, merong classical musician, punk rocker, jazz player, metal head, mga posers, pati ballet dancer.

Kaya lumaki si Mike sa daigdig ng musika, dahil hanep sa collection ng mga CDs at DVDs ang kanyang ama na si0 Benjoe, isang frustrated musician na naging sales agent ng appliances dahil kailangang kumita ng pera ng nabuntis nito ang karelasyong si Michelle, ang ina ni Mike.

Lumaki si Mike sa perya. Umiikot ang tahanan nila sa mga lugar kung saan tumitigil ang perya. Sa kanilang videoke bar at bahay, kinahiligan at natuto si Mike ng musika sa murang gulang na apat, sa edad ding iyon natutunan niyang tumugtog ng gitara at piyano.

Pero sa videoke talaga nahumaling si Mike. Hilig niyang kantahin ang My way ni Frank Sinatra, binabatukan siya ng mga pinsan at mga tito dahil ang baduy daw niya. Pero kahit sa videoke naadik si Mike, pag tumugtog naman siya ng gitara at jazz, aba classical at jazzy ang mga escala nito.

Magkahalong kantiyaw at papuri ang inabot ni Mike sa dalawang magkaibang mundo ng kanyang musika.

Aabot ng 4th year high school si Mike na videoke ang hilig, narun na ang manalo siya ng iba’t ibang premyo dahil sa kanyang ginintuang boses… hanggang sa maranasan niyang masaktan sa pag-ibig ng ipinahiya siya ni Valerie, ang kanyang babaeng iniibig sa isang videokehan sa mall dahil baduy daw ang kanyang kinanta.

Nanlulumo, mapapatambay si Mike sa mga mall, sa mga kalye, hanggang sa mga may mabarkada siyang mga punk rockers na ang hilig ay ang tugtugan ng Rancid, Ramones, The Clash, mga old schoolers at marami pang iba.

Mula nuon matutuon na ang tuon ni Mike sa tugtugang rock. Gamit ang gitara, minsan keyboard, pero kadalasan gitara, maghahanap ng kabanda si Mike. Sa una, sa pagsisimula ng kanyang mga banda ay puro plakado ang kanilang ginagawa hanggang ang buong enerhiya ng kanyang pagiging malikhain ay matutuon sa paglikha ng mga sariling magagandang mga komposisyon.

Mananalo sila sa mga battle of the bands. Sa kolehiyo, magiging aktibo rin si Mike sa aktibismo sa kalagayan ng music industry. Tutuligsain niya ang pagiging komersyalisado ng mga tema ng mga banda para lang kumita ng pera.

Magiging kaibigan niya ang legendary na The Wuds at Philippine Violators. Magiging isang alamat si Mike.

Ang tangi lang problema ay ang pag-ibig. Ang kanyang pag-ibig kay Michelle na maglulunsad ng mga pinakamagandang awit ng pag-ibig pero ang kapalit nito ay ang kanyang buhay ng lokohin siya ni Michelle para ipagpalit sa isang negosyante.

No comments: