Nakaupo si Jack sa may bus terminal. Nagyoyosi. May mga nakaupo sa tabi niya, mukhang may hinihintay din. Kumakain ng tsitsirya si Jack. Pinagmamasdan niya ang mga batang lansangan upang ‘di siya mainip.
Naglalaro ang mga batang lansangan sa kanyang harapan. Naglalaro ng kara krus. Bubuksan ni Jack ang kanyang bag at magbabasa ng On the Road na libro. Bibili ng sigarilyo, magyoyosi.
Tumayo si Jack at kanyang natanaw ang paparating ng bus. Tinapon niya ang yosi at tinignan ang bintana ngunit ‘di niya Makita ang kanyang hinahanap. Bumili ulit ng yosi si Jack.
Kinuha ni Jack ang kanyang kwaderno at nagsimulang magsulat.
Jack (V.0): Ang bus terminal ay isang sementeryo,
Nililibing ako ng mga mukha ng pighati,
May mga mukhang masaya, mga mukhang naghihintay
Ngunit nangingibabaw ang lungkot na dala
Ng mga taong walang tahanan na sumisilong dito…
Boses: Ayan, galing Manila iyan!
Dagling nilagay ni Jack ang kwaderno sa loob ng kanyang bag, at itinapon niya ang kanyang yosi. Tumayo si Jack at tamang tama ang hinto ng bus sa kanyang harapan.
Tinignan ni Jack ang mga pasahero ngunit wala ang kanyang hinihintay…
Makalipas ang ilang minutong pag-upo, tumayo na si jack at umalis…
Sa pag-alis ni Jack, siya naming pagdating ng isa pang bus. Nagmamadali sa pagbaba ang mga tao.,,
Rose: …Jack, nasaan ka. Nakita ni Rose ang isang papel na nakadikit sa may haligi ng bus terminal.
Note: Rose, kung ‘di mo ako nakita, wag mong isipin na ‘di kita pinuntahan. Naghintay ako ngunit ‘di ka dumating… alam mo kung saan ako makikita. – Jack.
Sunday, November 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment