Sunday, November 16, 2008

Kung gusto kong tumakas, wala kayong magagawa

Kung gusto kong tumakas sa problema,
Isang saglit lang,
Pero hep, ‘di sa alak o sa omads,
sa kutsilyo?
Pwede pero mas nanaisin kong magpalunod,
Para walang makapagalay sa ‘kin ng mga bulaklak
O ng mga pagkain,
Tama si Holden ng sinabi niya na:
Who needs flowers when you’re dead?”
Pero ‘di niya alam na ‘di siya ang katawan.

Kung nanaisin ko,
Maaari akong maging alagad ni Oregon,
Isang kalabit lang ng gatilyo
Mula sa aagawan kong parak,
Tiyak sabog ang ulo ko,
At kakalat ang aking utak sa kalye,
Pero hindi ayaw ko ng nakakapangilabot na kamatayan,
Tulad ng bigti, pag-inom ng lason,
Kamatayan kaya sa sobrang sex,
Nakatatawa pero hindi,
Di niyo dapat malaman na malibog ako,

Kaya lang alam kong ‘di ako ang katawan,
At alam kong maraming masasaktan
Pag umalis akong walang paalam,
Kaya’t hihintayin ko na lang na ako’y tumanda
O maaksidente
O patayin ng isang adik diyan sa may kanto.

Ngayong buhay pa ako,
Pipilitin kong makitil sa isip ko
Na ‘di ako dapat tumakas,
Ngayong malapit na akong maging ama,
At dapat kong ituro sa kanya
Na kalianman ‘di namamatay ang katawan
At ‘di tayo ang isip,
At dapat nating mahalin ang Diyos,
Na siya nating tunay na ama,
Kaya’t kailangan kong lumapit
At masisimulan ko ito sa pagbangit
Ng kanyang mga banal na pangalan:
Hare Krishna
Hare Krishna
Krishna Krishna
Hare Hare

Hare Rama
Hare Rama
Rama Rama
Hare Hare!

No comments: